Tagalog eksibisyon tour ni Patrick Cruz, 2pm | Artist Talk in English, 3pm
April 15, 2017 – 2pm
Ihinahandog ng Plug In Institute of Contemporary art ang eksibisyong Titig Kayumanggi (Brown Gaze) ang unang solo eksibisyon ni Patrick Cruz sa Winnipeg, kilala sa estilo at pag gamit ng matitingkad na kulay, matatapang na linya sa pagguhit, at mga instalasyon na sumasakop ng espasyo gawa ng kanyang mga likhang-sining. Isang personal na kasaysayan ng imigrasyon mula sa Pilipinas papuntang Canada ay ang kwento na nakaguhit sa mga obra ni Patrick Cruz, sa pamamagitan ng akumulasyon ng linya, kulay at ibatibang estilo sa pagpinta, ito ay isinalansan at pinagsamasama sa isang nakaka-engganyong instalasyon. Nakapaskil sa pader at gumagapang sa sahig ng Plug In Institute of Contemporary Art, Titig Kayumanggi (Brown Gaze) ay ang pananaw ng artist – ang kanyang perspektibo na bumubuo ng isang magulo, maingay at masikip na mundo gawa sa mga ginuhit na linya, matitingkad na kulay, mga pinagtagpitagping mga bidyo at mga pinagpatongpatong na mga gamit.
Si Patrick Cruz ay isang Filipino-Canadian artist at organizer na nagtatrabaho sa pagitan ng Vancouver, Toronto at Manila, Philippines. Nagaral siya ng pagpinta sa University of the Philippines Diliman at eskulptura sa Emily Carr University of Art + Design sa Vancouver. Tinapos niya ang kanyang Masters of Fine arts sa University of Guelph etong nakaraang taon. Ang kanyang sining at mga obra ay dala ng kanyang karanasan bilang isang immigrante galing Pilipinas patungong Canada. Siya ay nanalo ng National Prize noong 2015 mula sa 17th annual RBC Canadian Painting Competition.